ANOTHER CSFWD MILESTONE PARA SA MAS MAAYOS NA WATER SUPPLY!
GOOD NEWS, Fernandinos!
Matagumpay nang natapos ang RE-DRILLING ng VILLA DEL SOL PUMPING STATION at operational na ito, na nagbibigay ng karagdagang suplay ng tubig na may kapasidad na 21 liters per second (LPS).
Ang improvement na ito ay naisakatuparan sa pamamagitan ng rekomendasyon at pagsisikap ng CSFWD Management, sa pangunguna ni General Manager Engr. Nelson G. Lingat, DPA, bilang bahagi ng patuloy na programa ng Distrito na mapabuti ang suplay ng tubig at serbisyo sa mga consumers.
Sa pamamagitan ng proyektong ito, mas mapapalakas ang suplay ng tubig at mapapabuti ang serbisyo sa mga sumusunod na area:
Villa del Sol
Bahagi ng Dolores Homesite
Villa Barosa
Bahagi ng Brgy. Magliman
Bahagi ng St. Jude Village
Patuloy ang CSFWD sa pagpapaunlad ng mga pasilidad at pagsasagawa ng mga konkretong hakbang upang masiguro ang mas sapat at maaasahang suplay ng tubig para sa ating mga kababayan.
Mas maayos na pasilidad, mas maaasahang suplay ng tubig, mas magandang serbisyo para sa bawat Fernandino!