“Tamang Disenyo ng Septic Tank…. Proteksyon para sa ‘ting kalikasan”
Ang “poso negro” o septic tank ay ang pansamantalang lalagyan ng dumi galing sa inidoro. Ito ay nagbibigay proteksyon sa ating kalikasan dahil tumitining at naiipon dito ang mga buo-buong dumi galing sa banyo. Ang mga sumusunod ay ang tamang katangian ng septic tank para ito ay maging epektibo:
1) SELYADO. Mahalagang selyado ang ilalim ng septic tank para ‘di sumipsip sa lupa at sa water table ang laman nito.
2) MAY BUKASAN. ‘Di dapat liliit sa 6 inches/pulgada ang bukasan para madaling makokolekta ang laman ng septic tank.
3) MAY 3 KUMPARTAMENTO. Sa unang kumpartamento naiipon ang solid/buo-buong dumi na dapat ay regular na kinokolekta. Sa pangalawa at pangatlong kumpartamento higit pang nalilinisan ang maruming tubig.