Masayang na-ipagdiwang ang “PAMAWD Fun Run” noong nakaraang Hunyo 10, 2016 na ginanap sa CDC Ground Parade, Clark Pampanga. Isa ang palarong ito sa mga aktibidades na isinagawa para sa lahat ng mga Water District sa Pampanga. Layunin nito ang pagkakaisa ng mga Water District sa nasabing probinsya para sa iisang mitihin, ang lalong mapabuti at mas kalidad na serbisyo ang maibahagi sa mga mamamayan at sa lipunan.

Kabilang sa mga nanalo, si Charmy Tuazon, empleyado ng CSFWD na nakakuha sa pangalawang titulo mula sa kategoryang “3 km” at Ibat-ibang mga pa-premyo naman ang ipinamigay sa lahat. Taon-taong idinaraos ang palarong ito, at bukas ito sa lahat empleyado ng Water District sa buong Pampanga.