Gaya ng isang pamilya, ang mahigit na 170 empleyado ng CSFWD ay nagtipon para sa taunang midyear assembly at team building noong May 7-9, 2015 sa Isla Virginia, Baler, Aurora.
Ang mga Board of Directors sa pangunguna ni Chairperson Tonette Orejas at si GM Jorge Gumba ay nagbigay ng mga mensahe na sumentro sa kahalagahan ng pagkakaisa.
Ang mga palaro ay hindi lang nagbigay ng kasiyahan. Nagbigay din ang mga ito ng aral sa pagpapahusay ng trabaho at organisasyon, respeto sa bawat isa, at pagkamit ng tamang layunin.