SINIMULANG gawin ng City of San Fernando Water District ang bagong Meter Reading and Billing System (MRBS) nitong Enero 2013.
Sa MRBS, ang water meter readers ay may dalang kani-kanilang android mobile phone. Gamit nila ito sa pagrerecord ng nakonsumong tubig ng mga concessionaires. Gamit pa rin ang android mobile phone naipiprint ang billing notice sa harap mismo ng concessionaires. Ibig sabihin, agad na makukuha ng concessionaires ang kanilang water bills kada buwan.
Dahil sa makabagong teknolohiya, napapaaga ang paghahatid ng billing notice.