Ipinagdiwang ng City of San Fernando Water District (CSFWD) ang ika – 20 anibersaryo ng World Water Day sa pamamagitan ng isang water forum na may temang “Water and Sustainable Development in the City of San Fernando.” Ito ay ginanap sa Benigno S. Aquino Hall noong March 27, 2015.
Layunin nito na makakuha ng suporta mula sa iba’t-ibang sector ng lipunan para mapalaganap ang tamang pag-gamit at pag-titipid ng tubig. Kabilang ang ilang mga opisyal ng mga barangay sa lungsod sa mga dumalo sa pagtitipon.
Pangunahing speaker sa pagtitipon sina Mario Sandoval, na isang geologist, at si Councilor Bj Lagman, konsihal sa lunsod ng San Fernando. Sila ang mga nagbahagi hinggil sa pag-poprotekta sa kalikasan at patitipid ng tubig. Ayon kay Sandoval ang mabilis na pag-unlad at urbanisasyon, pabago-bagong panahon at pagtaas ng bilang ng mga kailangang pagkain ay ilan sa mga kadahilanan ng pagtaas ng pangangailangan ng malinis na tubig.
Sa pagdiriwang ding ito siniyasat ang iba pang mga problema kabilang ang water diplomacy, transboundary water management, at ang financial cooperation.
Binigyang diin naman ng General Manager ng CSFWD na si Jorge Gumba na malaki ang ginagampanang papel ng mga barangay opisyal hinggil sa pag-papakilos sa mga mamamayan upang suportahan ang mga programang pang-kalikasan. Sila din ay makatutulong na abisuhan ang mga tao sa komunidad patungkol sa mga kasalukuyang programa at maging ang mga plano ng barangay. Dagdag pa nito, ang water utility ay isang aktibong kasangga sa patitipid ng tubig, kaya naman hinihikiyat ang lahat ng mga konsesyoners na magtipis ng tubig lalo na sa panahon ng tag-init. Ani pa ni Gumba, ang problema sa tubig ay kailangang ibahagi hindi lamang sa mga water utilities at sa Gobyerno, kundi maging sa buong komunidad.
Ayon naman sa CSFWD Board of Directors chairman na si Tonnette Orejas, ang nasabing pagdiriwang ay isang kontribusyon ng water district sa lipunan upang mapangunahan ang tamang pagtitipid at paggamit ng tubig.