Idinaos ang kauna-unahang Fernandina Purple Run for a Cause noong ika-13 ng Marso 2015 bilang bahagi ng pagdiriwang ng Buwan ng Kababaihan sa taong 2015. Ito ay may temang “Equality for Women is Progress for All.” Hinihimok nito ang publiko na ipakita ang kahalagahan at pagbibigay-respeto sa mga kababaihan.
Ang Fernandina Purple Run ay sinimulan sa harap ng city hall. Isang Zumba ang isinagawa bilang pampagising at paghahanda para sa mga kalahok ng nasabing kaganapan. Si Konsehal Jacklyn Calimlim ang nagbigay ng maiksing mensahe sa ngalan ni Mayor Edwin Santiago para sa panimula ng Run.
Tinatayang 500 katao ang lumahok sa 3-km at 5-km run. Sumali ang 24 empleyado ng CSFWD.
Nagwagi sa 3-km run sina Raymond Mondares at Athena Sahi. Sina Michael Canlas at Tricia Guinto ang nanalo sa 5-km run.