INILUNSAD ng City of San Fernando Water District nitong Marso ang Business One Stop Shop o BOSS.
Layon ng BOSS na lalong mapabilis ang serbisyo ng CSFWD sa new at current concessionaires.
Kasama sa pinabilis na proseso ng BOSS ang mga sumusunod na serbisyo:
Layon ng BOSS na lalong mapabilis ang serbisyo ng CSFWD sa new at current concessionaires.
Kasama sa pinabilis na proseso ng BOSS ang mga sumusunod na serbisyo:
1. Information and Inquiries sa pagkuha ng new service application
2. Agency-assisted application
3. One-Time Payment
4. One-Form to Fill Out
5. Quick response sa follow-up inquiries
Sa bagong proseso, isang Customer Service Representative lamang ang kailangang kausapin ng kliyente para sa lahat ng nabanggit na serbisyo.
Ang paglunsad ng BOSS ay alinsunod sa Republic Act No. 9485 na kilala rin bilang Anti-Red Tape Act of 2007. Ang BOSS ay isang paraan ng pagresponde upang matanggal ang anumang katiwalian sa pamamagitan ng pagpapadali sa paglilingkod sa mamamayan.