Ipinagdiwang ng City of San Fernando Water District (CSFWD) ang ika-38 taong anibersaryo nito noong ika-6 ng Marso 2015.

Sa pangunguna ni Rev. Fr. Dixie Paras, idinaos ang misang pasasalamat. Sinundan ito ng programa na dinaluhan ng Board of Directors at Mayor Edwin Santiago.

Bahagi ng pagdiriwang ang pagkilala sa mga empleyado na ang serbisyo sa CSFWD ay umabot na ng 10 hanggang 35 taon.

Kasama rin sa mga naparangalan ang mga nagwagi sa 2nd CSFWD Sportsfest .

Isa rin sa pinakaaabangang bahagi ng selebrasyon ang kauna-unahang The Voice Of CSFWD na nilahukan ng mga empleyadong may talento sa pag-awit.